Sunday, March 25, 2007

Way to go

Paano ba ako napunta dito sa masalimuot na lugar sa bandang west Africa. Una kong narating ang Nigeria pagkatapos ay Ghana.

Tulad ng ibang mga pinoy, isa ako sa nakikipagsapalaran na makahanap ng magandang kabuhayan sa loob or sa labas ng ating bansa. Pagkatapos ng aking paghihirap na makuha ang kursong BSBA major in accounting ay pinalad akong matanggap sa isang accounting firm sa makati. Tumanggal ako ng halos 3 taon doon. Naisip ko bakit hindi kaya ako kumuha ng abugasya. Para kasing magandang pakinggan kung CPA kana Lawyer kapa. Dahil sa pangarap kong ito, nagpasya akong mag-aral sa San Beda dahil ito ay malapit sa tirahan naming sa Quiapo.

Habang ako ay nag-aaral, may isang kapitbahay na nagudyok sa akin na mag-apply ng trabaho sa Abroad. Inisip-isip ko since wala naman mawawala sa akin bakit hindi ko try just for curiosity sake, I was 24 at that time.

Hindi ko akalain na ma-shortlisted ako at isalang sa interview. Ang naginterview sa akin ay ang Chairman ng company. Sa madaling salita ay natanggap ako. Ivory Coast sana ang initial destination ko pero sabi sa akin mag training daw muna ako sa Nigeria.

Tatlo kaming pinoy na umalis papuntang Nigeria, that was October 14, 1991.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home