Friday, January 28, 2011

The social cost of working abroad

Ang dami naming OFW na angkalat sa mundo. Mula sa karatig asia hanggang sa sulok sulok ng Africa ay merong Pnoy na nakikipagsapalaran para guminhawa ang buhay. Pero maganda bang maging OFW. Madami bang masayang OFW? Maaring oo pero marami din sigurong nalulungkot at naghihirap. Kasi nga sa mundong ito bawat aksyon meron counter reaction. So kung sa ngayon ang aksyon mo ay maging OFW, ano kaya ang magiging reaction nuon. Isa na rito ang cost of working abroad. Ano ano nga ba ito? Sa aking pananaw ay ito ang mga sumusunod.

•Ang hindi mo makasama ang mga mahal mo sa buhay dahil nasa malayo kang lugar.

•Ang pagbaba ng antas ng qualidad mo sa buhay. Ang aspetong ito ang patungkol sa gawain mong pang-araw araw nuong di ka pa OFW. Kung lagi kang nasa mall, mahilig kumain ng tuyo o di kaya bagoong o nagsisimba tuwing lingo maaring di mo na magawa ito kung nasa ibang bansa kana. Sigurado akong ma miss mo ito.

•Iyong mga naiwan mo sa Pinas na lagi na lang umaasa saiyo at ayaw nang magtrabaho. Ang inaatupag na lang ay mag tongits, gumala at magpalaki ng bayag.

•Ang homesickness na mararamdaman mo na minsan umaabot pa sa pagkasira ng ulo.

•Minsan paguwi mo sa Pinas doon mo malalaman na madami palang utang ang pamilya mong naiwan at hindi mo alam kung paano mo ito mababayaran.

•Di rin maiwasan na malulong sa bisyo at kung ano ano pang pangyayari na akala mo sa komiks lang pwede ay nangyari sa ilang miyembro ng pamilya mo.

•Dumarami ang fren mo at kamag anak na laging humihingi sa iyo ng tulong na para bang di ka nauubusan ng pera.

•Lumalaki ang sahod ng OFW pero parang mas mabilis dumami ang problema nya.

Tapos sabi nga nila na life is too short. Iyon na nga short na as in short pero bakit kailangan mas mangibabaw ang hirap kesa sa saya.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home