Sunday, April 1, 2007

Pumapatak na naman ang ulan

Paggising ko kaninang umaga bandang 8:00 am ay napakadilim na ng langit. Mukhang bubugso ang ulan ng matindi. Hindi nga ako nagkamali eksaktong 9:15 ng umaga bumagsak ang napakabigat na ulan. Parang signal no. 3 na sa atin ito.

Bakit kaya napakalakas ng ulan ngayon dito sa Nigeria!! Eh samantalang sa Manila ay super init na ngayon. Nakapagtataka dahil halos nasa equitorial reqion ang Pinas at Nigeria.

Ang sarap sanang kumain ng tuyo at sinigang na bangus. Tapos ang kanin ay bagong saing. Ginugutom tuloy ako lalo. Ang almusal ko lang kanina ay isang nilagang itlog at kape. Hindi na ako pumunta sa kantina dahil sinadya kong matulog lampas ng 7:00 am dahil linggo ngayon at ang oras ng pasok ay 9:00 am kaso nga lang ikaw na bahala ng almusal mo dahil ang kantina ay bukas ng 7:00 am hanggang 8:00 am lang. Napakalakas ng hangin at matindi ang bugso ng ulan.......

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home