Monday, February 11, 2008

Ang Sipsip

Sa ating buong buhay, sa tingin ko lahat tayo ay nakaranas na ng katrabaho na sipsip. Akala ko nuong una sa atin lang sa Pinas uso ang sipsip sa trabaho. Nagkamali pala ako madami rin palang ibang lahi na talagang sipsip at sobra pa sa sipsip.

Ano nga ba ang sipsip?. Sa ganang sa akin, parang mahirap sagutin ito. Meron bang panuntunan or kategorya na maangkop sa isang indibidwal na pwedeng paratangan siyang sipsip. Kapag nagtratrabaho ka bang maigi at maayos na maaring maging dahilan para ma-promote ka agad sa maiksing panahon at malampasan mo ng milya-milya ang iyong maging mga katemporaryo?. Isa ka na bang dakilang sipsip. Sa palagay ko ay hindi.

Ang sipsip para sa akin ay iyong ginagawa ang paraan para mapromote siya or makuha ang gusto nya sa maling paraan kasehodang may masaktan or matapakan siyang ibang tao. Sa palagay ko mapipigurahan natin lahat kung sino at ano ang sipsip. Ang punto ko rito ay ang sipsip ay hindi lang nasa Pilipinas or ginagawa lang ng mga pinoy.

Sa tutuo lang, ang mga mainland Chinese ay nakita kong sobrang sipsip kulang na lang dilaan ang pwit ng amo para mapansin. Hindi rin nahuhuli ang mga iba pang lahi na taga europa or mga taong nasa gitnang silangan. Mas grabe pa nga sila kesa sa mga Pinoy. Gaya nga ng kasabihan na sa lahat ng gubat may ahas. Pareho rin ito sa trabaho, meron ding sipsip sa lahat ng opisina or lugar na pinagtratrabahuan saan mang sulok ng mundo.

Ang pinagkaibahan lang nila saiyo ikaw ay may-utak sila ay wala.