Tuesday, May 29, 2007

Sand Storm

Who said it is easy to work in Saudi! Our OFW's are literally eating dust when they are encountering sand storm.





Monday, May 28, 2007

Ang Pag-Ibig ba ay Para ba sa Lahat....

Nang nasa bakasyon ako sa Pinas nakapanood ako sa tv ng isang tunay na kwento tungkol sa mag-asawang pinalayas ng anak dahil ang kanyang ina na biyuda ay umiibig sa isang lalaki. Ang bagong minamahal na lalaki ng kanyang ina ay kasing idad naman nya sa aking tingin ay wala namang masama doon. Ang anak ay siguro mga nasa paga sinkwenta na kung magkagaynon ang kanyang ina ay siguro lampas 70 na.

Dahil ang kanyang amain ay walang hanap-buhay or mahirap lamang, mukhang ang anak ay naaburido at hindi matanggap na ang kanyang ina sa ganoong idad ay kumarengkeng pa. Sa galit ay pinalayas nya ang mag-sing irog. Magmula nuon namamalimos na lang ang 2 matanda at nakikitulog kung saan abutin.

Pumasok sa aking isipan ang pangyayaring ito kung sakaling mangyari ito sa buhay ko – na ang aking ina ay magmahal ng iba pagkatapos ng ilang taon mula ng mamatay ang aking ama.

Ako ay nagisip. Masama nga bang magmahal kung lampas 70 anyos kana. Ang pag-ibig o ang umibig ba ay para lang ba sa mga bata. Wala na bang karapatan umibig uli ang isang biyudo or biyuda na lampas 70 anyos na . Naikwento ng aking ina nuong minsan umuwi siya sa probinsya na ang pinsan ng lola ko na biyudo ay nag asawa uli na sobrang bata sa kanya. Ang idad ng asawa nya ay parang 28 anyos ata samantalang ang tiyuhin (tawag ko sa kanya ay lolo) ng ina ko ay parang malapit na sa 80. Para silang sina Dolphy at Zha zha ang pinagkaibahan lang ay si Dolphy mayaman siya hindi. Umaasa lang si Lolo sa kanyang karampot na pension at sa bigay ng kanyang mga anak na propesyonal na nagtratrabaho sa abroad. Dahil sa nag-asawa na si Lolo ang mga anak nya ay nagalit at hindi na sya binibigyan ng pera. Ang masama pa daw nito ayon sa aking ina ay pinalayas sya sa kanilang tahanan.

Ngayon, tinatanong ko ang aking sarili kaya ko bang gawin ito sa aking ina kung sakaling umibig sya ulit sa ganoong idad. Kaya ko ba syang palayasin sa aming tahanan. Hindi ba ako makokonsensya?. OO aaminin ko ako na ang bumubuhay sa kanya pero dapat ba ako na rin ang kokontrol ng buhay nya.

Siyanga pala ang ina ako ay nabiyuda nuong taong January 1976. Ang idad nya nuong taong iyon ay 35 yrs old. Ako naman ay 9 yrs old. Nuong ako ay nagkolehiyo natatandaan ko na pumasok sa aking isipan na kung sakaling mag-aasawa ang aking ina ito ay aking sasalungatin. Sa madaling salita, pipigilan ko siya.

Nuong ako ay nag-aaral palang, laging sinasabi na aking ina na kaya daw hindi na siya nag-asawa dahil para sa amin. Ayaw daw nyang Makita na minamaltrato kami ng kanyang bagong asawa. Hindi daw nya kayang makita na ginugulpi kami ng aming amain at mabawasan ang kanyang pagmahal sa amin kung saklaing magka-anak pa sya ulit. Sa panahong iyon, ang katagang ito ng aking ina ay pumasok sa aking isipan ng ganoon na lang para ba itong pagkariniwan lang na salita na pumasok sa butas ng aking tainga at lumabas sa kabila.

Tinupad naman ng ina ko ang kanyang pangako na hindi na muling nag-asawa. Pero ang ginawa nyang ito ay nagkaroon lang ng halaga nang ako ay nag-asawa na at naging ama.

Hindi pala madali iyong mabiyuda o mabiyudo lalo na kung bata ka pa. Ang single parent ay ikaw lahat aako bilang ama at ina ng tahanan at kapag may problema ka wala kang katulong o masabihan man lang ng iyong mga pasan na problema para kahit paano mabawasan ito. Ito ay sa pinansyal na aspeto lamang. Paano pa iyong emosyonal, physical at sexual na pangangailangan.

Siguro kung ngayon mag-aasawa ang nanay ko palagay ko maiintindihan ko na siya. Kaya lang hindi na pwede datan na sya at ang hilig na lang nya ay magbingo, mamasyal at magshopping. Dahil sa kakayahan nyang itaguyod kaming magkapatid kahit wala na si itay at hindi na naisapang mag-asawa pa, ito lang masasabi ko maraming salamat po inay.

Wednesday, May 23, 2007

Places I remembered

During my much-awaited vacation, my family and I decided to go to Hong Kong. If I not mistaken, this was probably the sixth time I visited Hong Kong.

Looking back, it comes to my mind that I had visited a lot of places. Being an OFW, this is an extra bonus since we have opportunities to play the role of a tourist in any country we are transiting before going to Philippines. The following are the countries that I had visited.

1. Nigeria
2. Ghana
3. Malaysia
4. Thailand
5. Italy
6. Germany
7. Switzerland
8. Holland
9. France
10. United Arab Emirates
11. Hong Kong

Saturday, May 19, 2007

Dapat bang kaingitan ang mga OFW...

Nuong nagaaral ako sa High School, napansin ko ang isang pinsan ko na nakapagtrabaho sa ibang bansa na para siyang biglang yumaman ata. Hindi ko naman masasabi na nanalo siya ng Lotto dahil wala pang lotto ng panahong iyon. Pero kung manlibre at magpainom siya sa mga kaibigan at ka tropa nya ay parang walang katapusan. Ang ganda ng mga kasuotan nya at naninilaw siya kung tignan sa dami ng nakapalupot na makapal na alahas sa buo nyang katawan. Nabalitaan ko pa na nagpapagawa daw siya ng bahay sa probinsya para sa kanyang butihing ina at ama.

Lalo tuloy akong namangha at lumaki ang aking mata nang ipasyal nya ako at dalhin sa isang arcade sa bandang makati at ilibre nya ako at ibili ng bagay na aking gusto. Malayo na talaga ang kanyang narating. Sa madaling salita, ako ay naiingit sa kanya at nasabi ko sa sarili ko pagnatapos ng aking pag-aaral gusto ko na makapag-trabaho rin tulad nya sa ibang bansa. Ito ang bago kong pangarap.

Hindi naman ako nabigo tatlong taon pagkatapos kong grumadweyt ay sumabak na rin akong tulad ng karamihan na magtrabaho sa ibang bansa.

Sa mahigit na sampung taon kong pagtratrabaho malayo sa Pinas, nagbiglang tanaw ako sa nakaraan iyon bang inggit na aking naramdaman sa aking pinsan nuong ako ay nag-aaral pa lamang. Sumagi sa isip ko dapat nga bang kaiingitan ay isang OFW na tulad ko. Oo aaminin ko na hindi na ako salat sa pananalapi at meron na rin akong lupa’t bahay na matatawag kong akin. Dagdag pa sa mga ito ay ang kotseng nabili ng hulugan; ang aking kakayahang pag-aralin ang aking anak sa magandang paaralan na gusto ko at mga bagay bagay na luxury goods kung tawagan na kayang bilhin ng aking pinaghirapan sa abroad. Naisip ko tuloy na siguro meron na ring mga tao sa aking paligid na naiingit sa akin at nagbabalak na magpakalayo layo para maghanap ng trabaho sa ibang bansa at makamtan din nila ang nalalasap kong financial reward na aking nararanasan ngayon. Pero talaga bang kainggit-ingit ang mga OFW. Sa isang tingin, OO nakaka-inggit matakin mo pa na tinawag silang mga bagong bayani sa ating henerasyon. At sana naman walang mag-isip sa kanila na magtayo ng sarili nilang statwa bilang simbulo ng kanilang kabayanihan. Kung mauso ito aba eh baka malunod tayo ng mga rebulto nila at hindi na makahinga.

Sa isip ng mga karamihan, ang isang OFW ay simbolo ng isang natupad na pangarap. Kung may kapatid, anak or magulang ka na nagtratarabaho para kang may pato na nangigitlog ng ginto. Pero gusto kong isalaysay ang mga paghihirap at mga negatibo na aking nakita at narinig sa mga OFW na tulad ko. Ikaw na ang humusga kung ito ay tutuo or hindi: Ikaw na rin ang sumagot magsabi na dapat ba silang kainggitan. Ito po ang mga paghihirap kong sinasabi.

1. Kadalasan ay Lugi sa Negosyo

Ikaw ay magugulat sa mga statistika na lumalabas na karamihan sa mga OFW na sumusuong sa negosyo ay madalas nalulugi. Mantakin mo ang naipon mo sa loob ng ilang taon pagtratrabaho ay bigla na lang naubos at nalugi. Hindi ba napakasakit iyon Kuya Eddie. Maraming dahilan kung bakit ang OFW ay madalas nalulugi. Marami na ring pag-aaral na ginawa ang ating gobyerno sa mga kadahilan kung bakit mailap ang tagumpay sa palad ng OFW ang pagnenegosyo. Ang mga kadahilanan na nabanggit ay walang masyadong kaalaman ang OFW sa pamamalakad ng negosyo na kanilang pinasok; isa pa walang namamahala sa kanilang negosyo habang sila ay nanatiling nagtratrabaho sa abroad kaya kadalasan sila ay nakukupitan o niloloko ng kanilang katiwala.

Siguro naramdaman mo na ang sakit nang mawala saiyo ang iyong cellphone or mamahaling bagay ng di mo inaasahan. Ano pa ba ang sasakit sa OFW na malugi ang kanilang negosyo na ang kapital ay galing sa pinagtrabahuan nila ng ilang taon. May mga kakilala ako na OFW nalugi sa pagbili nila ng Jeep na pampasahero or taxi, etc.

2. Diborsyo

Kung isusulat ko lahat lahat na aking nakita at narinig na mga problema sa pamilya naming bawat OFW kulang siguro ang isang buwan ay kulang para mailathala ang mga ito. Pagkaraniwan sa aming mga OFW ay dibors na at hiwalay sa asawa o dili naman kaya ay may bago ng asawa. Pero teka nga pala hindi lahat ng OFW ay hiwalay sa asawa at hindi lahat ng diborsyada or diborsyado ay OFW.

Pero napapabilang ang mga OFW sa hanay ng mga nakararami na nakikapag hiwalay sa asawa. Bakit kaya hindi naman sila artista o baka naman dahil karamihan sa kanila ay mukhang artista. Hindi ko na siguro uungkatin ang emotional na hirap na dinadanas ng isang lalaki or babae na sumasailalim ng proseso ng paghihiwalay.

Ano nga ba ang mga rason bakit nakikipaghiwalay ang mga OFW sa kanilang asawa. Sa aking opinion ay siguro dahil na rin sa hindi makatiis sa tawag ng laman ang OFW lalo na kung ito ay lalaki. Kulang sa komunikasyon ay isa ring dahilan. Kung ikaw ay magbabasa ng dyaryo madalas ang wento ng pag-ibig at kamunduhan ay punto ang buhay OFW. Hindi ko rin masisi ang OFW na wag tumikim ng sex habang silang ay nagtratrabaho sa malayong lugar. Mahirap talagang iwasan ito.

At kapag nakatikim na ng sex ang OFW sa ibang babae, ito ang magiging ugat ng hiwalayan. Naiinsecure si misis dahil mas bata ang kalaguyo ni mister o dili kaya ay mas masarap ang kalaguyo sa kama kesa ke misis.

May mga pagkakataon naman na ayaw iwan ni misis ang OFW na mister kahit alam nyang madami sila sa buhay nya dahil na rin siguro sa mga anak nila or takot siya na mabawasan ang intregang sahod ni mister kapag pinili nyang makipaghiwalay.

Pero mas masakit para sa isang mister na OFW ang malaman na may kalaguyo si Misis at inuubos ang pinapadala nya para sa pangangailangan ng kalaguyo.

Meron po akong wento sa inyo. May isa akong kilalang OFW na nalaman na ang misis nya ay may kabit na pulis. So hiniwalayan agad ang asawa pinutol ang sustento. At ang OFW ay nag asawa ng mas bata, sexy at maganda. Iyon lang ang advantage kung may pera ka madali kang makapag asawa ulit na mas maganda. Ang nangyari as dating misis nya ay ayon naghihirap sa kamay ng pulis. Minsan nasasabi ko nga kapag ang misis ng OFW ay kumarengkeng, binigyan nya ng pagkakataon ang kanyang asawa na magmahal ng iba. OFW has the money to offer any young lady who is willing to take the wife’s role and place. Samakatwid baga ay worth na ang ipapadalang malaking sahod sa bago at batang misis. Ika nga ay it’s worth the money.

Hindi lahat ng OFW na naturotot ay sumasailalim ng maganda at maayos na proseso ng paghihiwalay. Madami ring OFW or kanilang partner ay dinadamdam ito at minsan humahantong ito sa trahedya tulad ng suicide, o biglaang pagkakasakit o atake dahil hindi nila ma-take ang pangyayari.


3. Problem sa Anak

Karamihan sa OFW ay may problema sa mga anak. Kung hindi maagang nabuntis eh madalas makabuntis. Hirap ang mga anak ng OFW na makatapos ng pag-aaral. Kung makatapos man ay hindi sila preparado para makahanap ng maayos na trabaho. Madalas mo na siguro mabasa sa dyaryo ang pagbaba na kalidad ng kaalaman ng ating kabataan na nakatapos ng collegio. Gumawa ng simpleng pangungusap sa wikang kano ay hirap na hirap na sila at gamunggo na ang pawis na pumapatak sa kanilang ulo. Hindi kaya ito ay sanhi nang hindi sila nagagabayan sa pag-aaral ng tama habang sila ay lumalaki dahil nga wala sa tabi nila ang isa o dalawa nilang magulang na naghahanap buhay sa malayong lugar.

Ang masakit pa nito ay kahit may apo kana ikaw pa rin ang pumapasan sa anak mo at sa kanyang mga anak. Alam ko na halos tradisyon na natin ang ganito. At saka sino ba ang hindi makakatiis na manghirap ang anak at apo. Pero sa tingin ko may mali pa rin sa ganitong sitwasyon na kinukunsinti natin ang anak natin na umasa sa magulang. Maganda sana kung lagging may trabaho ang magulang sa abroad paano kung wala na, paano na kaya ang mangyayari.

Mas masama pa rito ay minsan nalululong ang anak sa masamang bisyo na humahantong or dahilan rin sa pagkawasak or gulo sa pamilya.

4. Lungkot, Hirap at Pangamba sa Trabaho.

Hindi lang lungkot ang kalaban naming mga OFW habang kasama na rito ang hirap at takot sa lugar na aming pinagtratrabahuan.

Sa Singapore ang normal na almusal na binibigay ng amo sa aming mga OFW ay kanin na bahaw na sinabawan ng mainit na tubig. Para kang may sakit ang hirap atang magadjust. Sa Hong Kong naman ang kwarto nila ay kasing liit ng kubeta. Sa Iraq, Afghanistan, Somalia at Nigeria ay panganib na baka isang araw ay madisgrasya ka or makidnap. Sa middle east naman ay ang mapagsamantalang arabo na hindi lang minamaltrato ang ating mga kababaihang OFW ay ginagahasa pa. Bagamat puro panganib ito ay pilit naming itong nilalabanan dahil na rin siguro sa ganda ng sahod na hindi namin makikita sa Pinas. Hindi ko na siguro babanggitin pa ang hirap na nararanasan namin para pakisamahan ang ibang empleyado ng kumpanya na meron iba-ibang kultura na sobrang sipsip, magulo, mayabang, nakakainis at kung ano ano pa.

5. Ang Paniniwalang Puno ng Pera ang OFW

Ang balon nauubusan ng tubig, ang araw ay lumulubog at ang hangin ay humuhupa pero ang akala ng karamihan na lahat ng OFW ay hindi nauubusan ng pera. O dili kaya ay madaling kitain ang pera sa ibang bansa na parang isang pitik mo lang presto may lalabas nang pera sa bulsa namin.

Sa ganyang paniniwala ng ating mga kamag-anak, ka kilala at kaibigan, halos lahat sila ay kung hindi nanghihiram ay nanghihingi ng balato. Hindi ko naman sinasabi na masama ang manghiram or manghingi. Ang punto rito sa dami ng nanghihiram ay siguradong meron kang hindi mapapagbigyan di ba?.

At kung hindi mo mapagbigyan ay masama at madamot ka. Por Diyos por santo, si Pacquiao nga na multimillionaire (in US dollars ha) eh hindi mapagbigyan lahat. Kami pa na barya barya lang kinikita. Kung mapahiram mo naman ay hindi ka binabayaran at kapag sinisingil mo na galit pa… Bakit kaya ganoon?

Wednesday, May 16, 2007

Confined Space Teamwork

The epitome of Confined Space Entry.

The photos show a crew accomplishing their assigned tasks on a confined space job. Observe in the photos the sequence of work procedures performed by the staff. I wonder if there was a work permit issued for this task.





The Bloggers

I read lots of rants and raves from different types of bloggers. As an OFW, reading bloggers’ stories are entertaining and captivating. It becomes one of my ways to combat the loneliness we normally experience. Their stories came in different colors and dimension from love, comedy, triumph, horror, sports, politics, socio-economics and as well as sex. You name it and definitely you can have it as fast as a click of a mouse.

There are so many ideas to perceive and learn from a mind of a blogger. In fact, I sometimes told myself you see this person had more problems than I am; but he can overcome it with ease. It seems that no tsunami of problems could nail him done.

As a result of reading so many blogs, I started my own. I am not a good writer per se and let us see how far I can go on blogging.

Tuesday, May 15, 2007

Back to Africa

I am back here in Africa after few weeks of vacation from my home country.

It was really a nice vacation with my family. I will post my vacation stories these coming days.