Saturday, September 29, 2007

Insidente

Another nefarious incident here in Port Harcourt took place the other day. A Filipino was kidnapped by certain group of people disguised as soldiers. This is a normal occurrence going on here since the problem erupted more than a year ago. So far, statistic says that there were about 200 expatriates that were kidnapped and most of them were freed after their respective companies had paid the ransom.

Sometimes, I am frightened to think what will happen just in case you had been kidnapped. The probability is not remote to happen to us who we are working here in Port Harcourt. The only thing I can do while I am here is to pray and always be alert.

Our kababayans back home might be wondering why there are still hundreds of Filipinos still working in this area. Well, the bottom-line reason is syempre pera.

Teka nga muna ano bang meron sa Africa at nagsusumiksik ang ilan sa amin at kahit ata putilin ang betlog ay hindi aalis rito. Hayaan nyong ibigay sa akin ang pagkakataong ilathala kung ano ba ang nakaka-adik dito sa lugar na ito maliban sa pera.

Kung kumpara sa mga nagtratrabaho sa gitnang silangan at sa karatig pook natin sa asia, ang Africa ay masasabi natin lugar kung saan ok ang trabaho (maliban sa magulo ang political situation at mataas ang crime rate) at maganda ang trato ng employer sa amin. Karamihan sa amin dito ay professional or skilled workes kuno mula sa pagiging engineer, electrician, welder, karpentero at kung ano ano pa. Libre ang bahay, kotse with matching driver pa, katulong etc…. Ang sahod mo talaga ang diretso sa pinas. Ang siyeste pa neto meron pa kaming allowance maliban sa overseas sahod namin. Tapos dahil nga wala ka namang madaming mabili rito eh hindi mo mauubos ang allowance mo at pwede mo pang dalhin sa atin sa pinas.

Pero there is always two sides of the coin. Masasabi mo ngang maganda nga sahod pero nakakatakot naman pala dyan. High risk eh high price di ba… Will you take the risk gaya ng ginagawa namin rito?

Thursday, September 27, 2007

Ghana

I went to Accra, Ghana to take my immigrant visa from the Canadian Embassy. I thought there would be hundreds of applicants queuing to have their visa. But, I was wrong. The people were less than 15. However, it had taken almost 7 hours before the embassy processed and released our immigrant visa.

It had been more than 4 years since I visited Ghana. Remarkably, nothing had much changed in the Country except that they had expanded their international airport. Ghana is safer than Nigeria. I strolled around the city by Taxi and took some pictures.

Interestingly, the cost of hotel and restaurant are somehow costlier compared to the cost you will incur when you will be in the Philippines. I invited 2 friends and dined in a Chinese restaurant. The bill was US$83 unimaginable cost, whereas, if we dined in a Philippines in a similar restaurant it would cost me around US$40.

Wednesday, September 19, 2007

Visa

After more than 5 years of waiting, my immigrant application to Canada had been approved and I need to appear in person at Canadian Embassy in Accra, Ghana for visa stamping. The waiting game is over and another stage in my life will start to appear. This is when we migrate to Canada.

Sometimes, I had a second thought if it is really beneficial for us to live in Canada. Presently, I have a nice job with a good pay. Even I will continue to stay and work here in Nigeria, there will be a need for me to stay at least 2 years out of 5 years from the moment we landed in Canada. This is required in order for me to retain my right as an immigrant. In the end, I will be forced to stay in Canada and start all over again.

There were so much told and untold stories of success and failure of Canadian immigrants. And I don’t know where in the side of this statistic I should fall. In the meantime, there are lots of things for me to do. The first thing is to get my passport stamp on 24/09/2007.

Thursday, September 13, 2007

Pain

Due to the high security alert, most of multinational companies here don’t allow their foreign workers to move out from their working site. This security arrangement had in fact brought boredom in our working life here.

One of a few things to enliven us is go to the gym and exercise. But, before you are allowed to do exercise there is a need for medical certificate to be issued by Doctor stationed in the Clinic. The test performed by the Doctor is quite easy and I got my certificate quickly than I expected.

My friend who came from the Middle East was also subjected to the same Test. He is tall about 5’10 in height having a medium build body. The doctor asked him to squat for 30 times and he is about to reach 20x suddenly he stopped. He said that he couldn’t take it anymore and felt his legs crumbled. It was very strange to me for a strong body like him could not even take a squat exercise of 30 repetition. I guess people from different part of the world are having different points and stages on how far they can take the pain or he is just simply lazy.

Wednesday, September 12, 2007

Balik Tanaw

Akin pang naalala nuong unang punta ko rito sa Nigeria. Batang bata pa ako at wala pang masyadong muang sa mundo. Ni sa panaginip ay hindi sumagi sa isip ko na pumunta sa Nigeria. Sa tutuo lang ni hindi ko pa narinig ang Nigeria habang nagaaral ako sa collegio.

Minsan talaga hindi mo aakalain ang mga pagkakataon na bigla na lang darating sa buhay mo. Meron maganda at meron naman hindi. Ang pagpunta ko rito sa Nigeria ay hindi sinasadya.

Balikan natin ng tanaw kung bakit nga ba ako napadpad sa hindi kilala at malayong lugar na ito. Pagkatapos ko sa isang collegio sa lunsod ng Maynila agad akong nakapasok sa isang kilalang auditing firm sa Makati. Halos tatlong taon akong nagtrabaho doon at nagpasyang magpatuloy na kumuha ng kursong abugasya. (Buti na lang hindi ako nakapagtapos kung hindi baka isa pa ako sa kaiinisan ng mga taong bayan).

Habang kumukuha ako ng kursong abugasya, isang kapitbahay, tawagin na lang natin siyang botchok, ang lumapit sa akin at sabi na ang agency nila ay naghahanap ng CPA para sa Nigeria. Sabagay wala naman mawawala kung sakaling magapply ako, so pinabigay ko sa kanya ang aking CV at sabi ko isubmit sa kanyang agency. Hindi naman ako umaasa na makukuha at talagang naka focus ako sa aking pag-aaral.

Wala pang 2 linggo sabi sa akin ni Botchok na na shortlisted daw ang CV ko at isasalang ako sa interview dahil padating daw ang may-ari (Chairman) ng Company sa araw ata ng Lunes iyon sa Manila Hotel.

At dumating ang araw ng interview, diyusme ang dami pala kaming na shortlisted halos 20 ata iyon. So hinanap ko ang recruiter at dahil hindi naman nya ako kilala personally doon nya ako sinalang sa bandang hapon mga 4:00 pm na ata iyon matakin mo dumating ako sa Manila Hotel ng 7:00 am. To cut the story short, natanggap naman ako.

Nalaunan napagalaman ko na ang recruiter na iyon ay mabait talaga at madaming natulungan. Sa tutuo lang hindi naman siya talaga agency pero tumutulong siya sa mga pinoy na gusting magabroad for free. Yes nabasa nyo ng tama for free. Sinong may sabing hangin lang ang libre sa mundo. Bilang tanaw sa ganda ng kanyang kalooban ay tuwing uuwi ako ay may dala akong alak at yosi sa kanya bilang pasalubong.

Pero meron isang pagkakataon na pumunta ako sa kanyang upisina ngunit nadatnan ko ang alalay nya na hindi ko naman kilala. So sabi sa akin ah isa ka sa natulungan ni amo di ba. Sabi ko Oo at nandito ako para ibigay ang pasalubong ko. Ang sabi ba naman sa akin ay wala siya eh ibigay mo na lang sa akin iyan at ibibigay ko sa kanya. Wala akong nagawa kundi ganoon na lang since ayaw ko ng bumalik ulit doon dahil malayo ang bahay ko. Paalis na ako eh sabi ba naman sa akin ng alalay wala ba tayong pangyosi bigyan mo naman ako at palatuhan. Medyo nayamot ako pero wala akong magawa kundi magbigay. Ganoon siguro kapag OFW ka dapat lagi kang namamalato at akala ng karamihan sa atin ay umeebak tayo ng dolyares.

Thursday, September 6, 2007

Munting Liwanag

Minsan nagiisip ako (para naman hindi kalawangin ang utak ko) kung bakit tayong mga pinoy ay dagsa ang problema at hindi na makausad ang ating ekonomiya. Isa sa dahilan ay ang malalang corruption na malawakang sinasagawa ng mga naka upo sa gobyerno at ang gagawin pa ng mga opposition na malamang papalit pagtapos ng termino ng mga nakaupo sa gobyerno.

Pero bakit nga ba malala ang corruption sa atin. Sa tutuo lang hindi lang mga opisyal ang corrupt pati na rin ang mga nangangasiwa ng relihiyon kasama na rin ang militar at kung sino sino pang poncio pilato. Kung gayon sino ang aasahin natin na maging matapat sa ating bansa? Sa tingin ko wala na nga ata. Ang nakakapagtataka naman marami naman sa atin ang nakapag aral at alam kung ano ang tama sa mali pero kapag nasa posisyon na nagbabago, nasisilaw na sila ng pera.

Napakasakit isipin ang ating patutunguhan. Ang bansa natin ay wala naman gasinong likas na yaman tulad ng langis at gas pero ano ang ginagawa natin sa ating bayan bangkus ay atin itong pinagsasamantalahan at niyuyurakan.

Ewan ko nga kung meron pa ba tayong pag-asa. Tignan mo na lang ang bagong pangyayari na nalathala sa diyaryo at internet tungkol kay Malu Fernandez na nagsulat tungkol sa pandidiri nya sa OFW na kanyang nakasakay sa Emirates Airlines. Si Malu na isang Filipina mula ulo hanggang talampakan ay yumurak sa dangal ng kanyang kapwa Pilipino. Aminin natin na karamihan ng mga elite citizen ng pinas ay mapanglait at akala mo kung sino na sila. Oo may pera sila pero tama na ba itong dahilan para manlait ng iba. Ang kinatutuwa ko lang ay madaming OFW na nagkaisa para bigyan ng leksyon si Malu at itama ang kanyang pananaw sa buhay. Sana lahat ng pinoy ay magkaisa tungo sa kaunlaran ng Pinas. Mangyari kaya ito? Malay natin! Ang mahalaga ay kahit paano ay nakakakita ako ng konting liwanag mula sa kadilimang aking sinasadlakan. Harinawa ang munting liwanag ay lumaki at magsilbing ilaw sa ating lahat.

Wednesday, September 5, 2007

Ulila sa Ama

I was barely 9 year old when my father died. I have bit memories of my Dad; In fact, some of them were vague. I didn’t remember how close I am with my father. I guessed that we didn’t have enough time to know each other.

Looking back, I wonder how does a child feels growing up having a father to guide you to face the problems that we encountered in becoming an adult. I guess I will never know.